Libre lang mangarap.

Libre lang mangarap. Sabi ng Kamikazee sa kanta nilang Ambisyoso.

Hindi naman siguro masamang mangarap dba? Hindi naman porket nangangarap ka na ay ambisyoso o ambisyosa ka na agad. Naniniwala akong libre ito. Minsan nga ito na lang ang ang hindi mo pwedeng ipagkait sa kapwa mo.

Gaya ng mga taong nakakulong, imahinasyon na lang nila ang malaya. Sa imahinasyon nila pwede nilang gawin lahat. Imahinasyong kasama ang pamilya, masayang nagtatawanan at kainan sa isang resort sa Laguna. Wala naman silang binayaran. Imahinasyong naging pangarap. O di kaya naman isang magulang na nasa ibang bansa, nakita niya sa facebook yung grad picture ng anak niya, pinasok niya sa kanyang isipan ang seremonya, naglalakad ang anak niya patungong entablado habang nakangiti sa kanya. Pangarap. Oh kay sarap mangarap.

Kaya dapat siguro matuto kang mangarap. Mangarap para sa ibang tao at lalong mangarap para sa sarili mo.

Pero kung minsan sobra eh. Katulad nito,

“Ang sarap sanang magkaroon ng sapatos na lumilipad…. Magic wallet na hindi nauubusan ng laman…”

Meron ba nun? Oo, sa isip. Sa isip lang. Kung minsan may mga pangarap tayong malayo sa realidad. Sobrang taas. Walang makaabot. Sabagay, pangarap nga naman. Libre. Unlimited. Ang gulo ko ba? Ganito kasi yung pumasok sa isip ko.

Nandun na tayo sa katotohanang libre nga ito pero huwag nga lang masyadong mataas. Kasi baka mabulag tayo dito at iyon na ang maging sentro ng buhay natin. ‘Yung tipong ibubuhos natin lahat ng oras, pawis, dugo at lakas makamit lang yun. At kung dumating ang panahon na hindi ‘man natin ito naabot o nakamit ay baka mahirapan at masaktan tayo sa ating pagkabagsak. Maraming hindi nakabangon dahil dito.

Kaso, oh magulo ulit,

Pero huwag din naman sobrang mababa. Kasi baka hindi na ito mag bigay sa atin ng gana para ito’y abutin. Baka sa sobrang baba ay wala ng lugar para sa sarili mo na lalong magpursigi. Hindi tayo matututo at aangat. Mananatili tayo kung hanggang saan lang tayo.

Sabi nga nila ulit,

“Libre lang mangarap, Walang hanggan na pag-hiling.. Libre lang mangarap, Managinip ka….(end)”

Hindi ko alam kung bakit pinutol nila sa “managinip ka”. Hindi ko alam kung ano yung gusto nilang pakahulugan. Siguro kasi pag nangarap tayo, dapat yung tama lang. Tamang pangarap lang. Wag sobrang taas o sobrang baba. Balanse dapat. Siguro iyon din ‘yung tipo ng pangarap na magbibigay ng inspirasyon sayo at ‘yung pangarap na hihimok para maabot mo ito.
________________________________________
Isa ka sa mga pangarap ko.
Naniniwala ako na kabilang ka sa matataas na pangarap ko.
Kasi mataas ka, alam na alam ko.
Pero habang ipinapakita mo na balanse naman ang mga ito,
Itutuloy ko,
Itutuloy ko ang pangarap ko.
Ngunit kung dumating sa punto na alam mong hindi ko maaabot,
Sabihin mo lang, ihihinto ko.

18 thoughts on “Libre lang mangarap.

  1. hi makiki- comment heheh na-entice ako sa “libre mangarap”

    for me it’s good to have dream – it’s the fire that keeps you smiling, glowing and going. but when you don’t passion and goal mananatling idea ang mga ito. may ilan akong pangarap noon na akala ko sobrang imposible at mayroon din na hindi na talaga natupad. pero i realize na ang maganda sa nangangarap ay kahit ano pa ang result ay binigyan nito ng direksyon ang iyong buhay. you know kung ano ang laman ng isip at puso mo yun ang gagawin mo.

    kung pag-ibig ito — hindi masama ang mangarap at lalong lalo na ang magmahal. pero ang tingin ko dapat katambal ng mga iyan ay pangatawanan. may nangangarap at umiibig kasi parang hirap na hirap pangatawan. hugot hehehe.

    Liked by 1 person

    • Thank you po sa thoughts. πŸ™‚ Naniniwala po ako sa lahat ng sinabi niyo. Tama nga po na may mga pangarap na magbibigay sa atin ng directions (insert tamang directions sana.) HAHAHA.

      Ayy, hugot nga po. Ganyan po at kapag may pinagdadaanan. πŸ™‚ Maraming salamat po ulit.

      Like

Leave a comment