100 Random Facts About ME

Teka,

Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan. Pero salamat sa isa kong inspirasyon na si Ate Anje na walang sawang nag encourage sa amin ni Ate Cy na gamitin ang wordpress upang ilabas ang aming nararamdaman. HAHAHA. Kahit madalas siyang mag tampo sa amin.

Hindi ko alam kung masasabi niyong weird ako pag natapos niyong basahin ito. Pero ito talaga ako. Hahaha.

  1. Babae ako. Sa mga hindi nakakakilala. Hahaha.
  2. Pangalawa ako sa apat na magkakapatid pero lagi akong napagkakamalang bunso.
  3. Hindi kasi ako umabot ng 5’0”. Ibig sabihin 4’11” lang ako. (I-bold natin para lalo kong matanggap. Haha.)
  4. Kaya sanay din akong akbayan ng mga kapatid ko dahil nga maliit ako.
  5. Mahilig ang pamilya namin sa musika. (Sa side ng papa ko, karamihan ng pinsan ko ay kumakanta at tumutugtug. Nakuha naming magkakapatid ‘yun.)
  6. Kumakanta ako pero hindi ko masasabing magaling. Hindi ako marunong mag alto o soprano agad agad. Sumasabay lang ako sa himig ng musika. Worship Leader ako sa aming simbahan.
  7. Marunong ako tumugtug ng gitara pero hindi magaling.
  8. Pangarap kong matutong mag piano (Kahit alam ko kung ano yung keys dun o nakakatugtug naman ako ng ibang kanta pero pangarap kong makatugtug ng hindi puro chords lang. Hahaha.)
  9. Sobrang humahanga ako sa mga taong marunong mag piano.
  10. Pangarap ko din matutong mag violin.
  11. Ayokong nagcecelebrate ng birthday ko. (Yung bongga. Kain o simpleng kwentuhan, okay na ako)
  12. Sobrang lungkot ko nung nag debut ako.(Ayoko kasi maging center of attention.)
  13. Maramig gustong mag celebrate, pero ako hindi.
  14. Dahil sa ayaw ko, wala akong picture kahit isa.
  15. Sabi ko Violin na lang po, wag ng debut party. (Kaso hindi ko sila napilit. Kaya obey. Sabi naman, Obedience is the key to blessings.)
  16. Bata pa lamang ako Christian na ako.
  17. Nag aral ako sa mga Christian Schools, kaya dun ko nabuo yung mga prinsipyo ko sa buhay.
  18. Prinisipyo pag dating sa pamilya, sa pag ibig at pakikipag-kapwa.
  19. Mahilig akong kumain (pero ang daming ang nagtatanong bakit hindi daw ako tumataba)
  20. Kapag pumupunta ako sa Starbucks, Dark Mocha ang lagi kong order.
  21. Kung sa dessert naman, kung ano ang available pero gusto ko yung Banoffee Pie, Sticky Cinnamon Bun, New York Cheesecake, Classic Chocolate Cake, Cookies and Cream Cheesecake with Oreo. (Patunay na mahilig akong kumain.)
  22. Mahilig ako sa Dark Chocolate. (Hindi naman ako ganong dark, pero mahilig ako sa dark chocs. Hahaha.)
  23. Kaso kapag uuwi na ako, sasakit na ang tyan ko. Hindi kasi mataas ang caffeine tolerance ko.
  24. Hindi ako mahilig sa mainstream.
  25. Yung Thinking Out Loud ni Ed Sheeran, malalaos na hindi ko pa din alam yung title. Lagi ko lang kinakanta yung lines na “And, darling, I will be loving you ’til we’re 70”.. Lalala…. Paulit-ulit. Thanks to Ate Cy sa pag sabi ng title at medyo nasaulo ko na.
  26. Kaya marami akong hindi alam na kantang nauuso at artists.
  27. Hindi ako fan ng Aldub and Pastillas. (Naappreaciate ko yung thought na binubuhay ng Aldub yung traditional courtship, thumbs up po. Pero hanggang dun lang po ang kaya ko.)
  28. Kapamilya ako mula pagkabata. Hahaha. (Nothing against kapuso. May kanya-kanya pong standards yan. Love love na lang po.)
  29. Speaking of standards, sabi ng iba mataas daw standards ko. (Hindi po. Hindi naman.)
  30. Hindi pa kasi ako nagkakaron ng boyfriend.
  31. Yes, kasama po ako sa NBSB Group. (Wala naman po akong balak maging presidente. Bise-presidente lang. Shh. Hahaha.)
  32. Maraming hindi naniniwala. (Hindi ko alam kung bakit.)
  33. Sabi ko pag edad ko ng 23, dun lang ako magstart magpaligaw.
  34. Meron naman, hindi nga lang nagtagal.
  35. Yung mga iba naman, puro paramdam lang. (Sila ang mga multo sa buhay ko. Marami-rami din silang multo. Hahaha.)
  36. Sabi ko din sa timeframe ko, sa edad kong 24 ako magboboyfriend.
  37. Sabi ko din, sa edad ko 26-27 ako magpapakasal. (As of this wirting, 23 pa lang naman ako. Kaso mukang iba ang plano ni Lord. Mukang may mas maganda siyang plano. Amen. Hahaha.)
  38. Lagi akong inaasar na mag-mamadre. (Kaya kapag may nakikita kaming madre sinasabi ng mga kasama ko “Nakikita ko na ang future mo.” Toinks.)
  39. Hindi naman ako nasasaktan sa mga asar nila
  40. Tanggap ko naman ang mga pwedeng mangyari sa buhay ko.
  41. Nagtapos ako ng kursong Psychology.
  42. Mula bata ko gusto ko ito na ang kurso ko.
  43. Elementary tinanong ako ng mga klasmeyts ko kung ano daw ang kukunin ko.
  44. Psychology ang nasabi ko. (Ano daw yun sabi ng mga klasmeyts ko, sabi ko na lang yun yung pag aaral kung paano mag isip ang tao.)
  45. Interesado lang ako kung paano nila naiisip o bakit nila iniisip yung ganung bagay.
  46. Pero ang unang pasyente namin ay aming mga sarili.
  47. Hindi pa nga ako lubos na magaling eh. HAHAHAHAHA.
  48. Tinuturing ko ang sarili ko na work-in-progress.
  49. At si Lord ang Author and Architect nito.
  50. Kung putik ako, Siya ang Potter.
  51. Kaso naranasan ko na ding mag rebelde.
  52. Hindi ako masyadong nag aral nung Highschool.
  53. Nakapag mura din ata akong ng isang araw. (Feeling ko sobrang sama kong tao nung araw na yun.)
  54. Ayoko ng Math o ayaw niya sa akin?. (Pero sobrang hanga at taas ng tingin ko sa magagaling dito.)
  55. Kaya hindi ako marunong mag compute pagdating sa Algebra, Trigonometry and Geometry. (Kapag nakakuha ako ng 75 sa Math, sobrang masaya na ako. Praise the Lord talaga.)
  56. Kapag may new tarpaulin na sa university ng mga Engineering Board Passers, hihinto ako sa tapat nun, mga five minutes, tinitignan ko sila isa-isa, tapos tinatanong ko sa sarili ko “Paano niyo nagawa yun?” Sobrang galing nila..
  57. Mahilig akong tumingin sa langit. Mahilig akong tumingin sa sunrise at sunset. Mahilig akong tumingin sa ulap at magisip ng mga bagay na pwede kong maimagine sa hugis nito. Mahilig akong tumingin sa bituin at buwan. Pero mahilig din ako sa ulan.
  58. Isa akong Pluviophile.
  59. Gusto kong naririnig yung pagpatak nito.
  60. Gusto ko yung dilim na binibigay niya.
  61. Gusto ko yung lamig na dala niya.
  62. Pakiramdam ko kasi hindi ako nagiisa kapag umuulan.
  63. Mahilig din ako sa aso.
  64. Niloko ko nga yung papa ko na kapag hindi ako nakapangasawa, bibili na lang ako ng maraming aso. (Pinagalitan niya ako. Hahaha.)
  65. Ayoko sa pusa.
  66. Kaya ayoko po kay Hello Kitty.
  67. Mahilig ako sa Disney!
  68. Mahilig ako sa Pixar!
  69. Paborito ko ang Tangled, Lion King, Up, Inside Out. Marami pang iba.
  70. Mahilig akong manood ng palabas na may values.
  71. Hinihiling ko na sana ibalik ang Sineskwela, Math-Tinik (Oo, natuto ako dito. Yey. Hahaha.), Bayani, Epol Apple, Hiraya Manawari at Pahina. (Tatak 90’s eh. Hahaha.)
  72. Gusto ko kasing ipaalam sa mga kabataan ngayon yung palabas na meron kami dati.
  73. Very traditional ata ako.
  74. Gusto ko yung nagmamano sa magulang.
  75. Gumagamit ng PO at OPO.
  76. Ayoko ng nagtatapon ng basura kung saan saan. Kung kayang ibulsa muna, ibulsa. (May nakasabay akong dalaga at tatay sa jeep. Nagtapon ng basura. Umuulan pa. Ang lungkot.)
  77. Ayokong sinasagot yung magulang. (Iba talaga pakiramdam ko.)
  78. Gusto kong makita sa Pilipino yung respeto at pagpapahalaga sa pamilya.
  79. Kaya kapag may nagtatanong sa akin kung pwede manligaw, pinapapunta ko sa bahay. Sa magulang ko siya mag tanong. (Isang pagpapakita ko ng respect sa magulang ko.)
  80. Kaso kung ayaw niya, mapapasama siya sa Number 35. Hahaha.
  81. Malakas ang pang amoy ko.
  82. Sensitive din yung ilong ko.
  83. Ayoko ng nakakaamoy ng malansa. (Hindi po sa maarte pero dahil iba yung epekto sa akin)
  84. Hindi ako kumakain ng tulingan. Hahaha.
  85. Madali akong maiyak pag ang pinaguusapan ay matatanda.
  86. Naiiyak din ako kapag nakakakita ako ng lola na namamalimos,
  87. Naiiyak ako kapag mag isa lang silang sumasakay ng jeep.
  88. Naiiyak ako sa katotohanang wala yung mga anak at apo nila sa kanilang tabi.
  89. Nasasaktan ako habang ginagawa ko ito.
  90. Hindi ako masyadong techie.
  91. Hindi ko gusto yung fact na yung mga kabataan ngayon gusto marami silang gadgets. (Na sana inipon na lang nila.)
  92. Sobrang mahiyan ako.
  93. Ginawa ko lang ito wordpress para dito ko malabas yung nararamdaman ko.
  94. Hindi ko nga po hinangad na magkaroon ng followers or like sa posts ko.
  95. Pero sobrang saya kasi kahit paano ay nabigyan niyo ng oras ang pagdalaw sa blog ko.
  96. Wala na po akong maisip na sasabihin.
  97. Kundi Salamat.
  98. Dahil sa kabila ng paghihirap kong tapusin ito.
  99. Binasa mo hanggang dulo.
  100. Dahil dyan, nakarating tayo parehas sa dulo. 🙂

Sa uulitin. Salamat po ulit. 🙂

3 thoughts on “100 Random Facts About ME

  1. Pingback: Payo sa Blogging: Paggawa ng About Page | Doctor Eamer

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s