Pananahimik

Lumipas ang ilang araw, lumipas ang ilang linggo
Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit naging ganito
Hindi ko alam kung may nagawa o may nasabi ako
Hindi ko kasi alam kung ano ang dahilan ng pananahimik mo

Sinanay mo akong kausap ka pero binigla mo ako noong nawala ka
Ipinaramdam mong nandyan ka pero binigla mo ako noong umiwas ka
Alam kong wala akong karapatang sabihin ang mga salitang ito
Kasi alam ko naman, alam kong ako yung pumili nito
Kaya patawarin mo ako, dahil naniwala ako
Patawarin mo ako dahil pinili kong maniwala sa lahat ng ipinakita mo

Akala ko noong una ay kaya ko
Ilang beses ko pa ngang sinabi ang mga katagang “Wala lang ito”
Nasabi ko din na darating ang araw lilipas lahat ng ito
Akala ko kasi noong una ay malakas ako.
Akala ko. Akala ko.
Ayun ‘yung inakala ko.

Pag gising sa umaga ikaw ang laman ng aking isip
Sa aking mga panalangin pangalan mo pa rin ang nasasambit
Unti-unti nararamdaman ko ang sakit
Unti-unti nararamdaman ko ang hapdi
Mga luha’y hindi na napigilang dumaloy hanggang sa aking mga labi

Hindi ko na mabatid ano ba ang aking kalagayan
Pati sarili ko ay sobra nang naguguluhan
Nabuhay naman ako noong wala ka
Masaya naman ako kahit hindi pa kita nakikilala
Pero bakit ngayon parang nagiba?
Para bang buhay ko’y magiging kulang kung lilisan ka

Gayon pa man, nais kong magpasalamat
Salamat dahil dumating ka sa buhay ko
Salamat dahil isa ka sa mga tumulong para matuto ako
Salamat din sa pananahimik mo
Dahil dito nalaman ko kung gaano ka pala kahalaga sa buhay ko
________________________________________
Nalaman ko kung gaano ka kahalaga sa buhay ko
Patawarin mo ako sa mga panahong hindi ko ito naiparamdam sayo
Kung mabigyan muli ng pagkakataon, hindi ko pa rin ito maipapangako
Gayon pa man, susubukan ko.
Handa kong subukan iparamdam sayo ang kahalagahan mo sa paraang kaya ko.

Kung minsan sa buhay natin kailangan nating maramdaman ang kalungkutan.
Isa kasi ito sa magbibigay liwanag o linaw sa atin sa mga bagay na hindi natin nakikita.

9 thoughts on “Pananahimik

Leave a comment